The time & date in Clark, Philippines is

Aquino: National Kidney Awareness Month (Iwas Sakit sa Bato)

By Dr. Rey B. Aquino
PhilHealth
Wednesday, June 8, 2011

BUKOD sa taunang “Dengue Awareness Month,” hindi alam ng marami na ipinagdiriwang din ngayong buwan ng Hunyo ang โ€œNational Kidney Awareness Monthโ€. Ito ay upang mapalawak ang ating kaalaman at kamalayan sa pangangalaga sa ating mga bato para maiwasan ang magastos na pagpapagamot kapag ang mga ito ay napinsala.
Bilang pampito sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan ngayon ng mga Pilipino, mahalagang pagtuunan ito ng pansin hindi lamang ng ating pamahalaan kundi ng bawat mamamayan. Nais kong ipabatid sa lahat na ang diabetes, pamamaga ng bato at mataas na presyon ng dugo ang mga pangunahing dahilan ng kidney failure sa ating bansa. Bukod dito, alam ba ninyong ang sakit sa bato ay namamana rin?
Are you short of coins? Check out Sun.Star’s multimedia special report on coin circulation.
Kahalagahan ng bato. Isang mahalagang bahagi ng ating katawan ang ating mga bato. Sinasala nito ang ating dugo para maihiwalay at mailabas ang toxins o lason sa ating katawan na nanggagaling sa ating mga kinakain at iniinom. Isinasaayos din nito ang lebel ng tubig at electrolytes ng ating katawan. Ito rin ang pinagmumulan ng erythropoietin, ang hormone sa ating katawan na tumutulong sa bone marrow upang makagawa ng red blood cells.
Panganib ng sakit sa bato. Ang sakit sa bato ay mapanganib kung hindi ito matutuklasan ng maaga at mabigyan ng kaukulang lunas. Traydor ang sakit na ito dahil kadalasan ay wala itong palatandaan lalo pa kung nagsisimula pa lamang. Sa katunayan, madalas natutuklasan ang sakit na ito kapag malala na ito.
Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, sa bawaโ€™t isang milyong Pinoy ay 120 ang sinasabing nasa end stage renal disease o ESRD. Kapag ang pasyente ay idineklara nang end stage, nangangahulugan na hindi na gumagana ang dalawa niyang bato. Hindi na nito kayang linisin ang dumi sa dugo kaya nalalason na ang katawan niya, dahilan upang kailanganin na ng pasyente na sumailalim sa dialysis o kidney transplant. Prevention is better than cure. Makatutulong ang pagkakaroon ng healthy lifestyle para mapangalagaan at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa bato gaya ng balance diet, regular na pag-eehersisyo, pananatili ng tamang timbang, at pag-iwas sa paninigarilyo. Ang pag-inom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw at ang pag-iwas sa maaalat na pagkain ay makatutulong din. Regular ding magpatingin sa duktor lalo na kung hypertensive, may diabetes at renal failure sa pamilya.
Gamutan sa bato. Sakaling magkaroon ng sakit sa bato lalo na ang ESRD, may dalawang options ang pasyente: mag-dialysis o kidney transplantation. Nagkakahalaga ng P2,500 hanggang P5,000 ang kada sesyon ng dialysis at tatlong sesyon kada linggo ang kinakailangang isagawa para mabuhay.
Subalit tinatayang 15 porsiyento lamang ng kidney function ang nagagarantiyahan ng dialysis at kinakailangan itong gawin nang regular at panghabambuhay upang manatiling buhay ang pasyente. Ayon pa sa NKTI, kalahati ng mga pasyenteng nagda-dialysis ay nangamamatay sa loob ng isang taong gamutan dahil hindi tuloy-tuloy ang pagda-dialysis dahil sa kakapusan sa pantustos.
Organ transplantation pa rin ang pinakamainam na alternatibo. Dito ay pinapalitan ng malusog na bato sa pamamagitan ng operasyon ang batong nasira na. Ayon sa mga pag-aaral, ilang buwan lamang pagkaraan ng operasyon ay lumalakas na ang pasyente at maaari nang bumalik sa kanyang trabaho. Mas cost-effective pa ito sa pagda-dialysis na bukod sa panghabambuhay ay wala pang katiyakan.
Lamang ay hindi lahat ng may ESRD ay maaaring sumailalim sa kidney transplant. Mga 40% nito ay hindi qualified kayaโ€™t sila ay habambuhay nang magpapa-dialysis. Sa mga qualified naman sa operasyon ay tinatayang P500,000 hanggang P1 milyon ang kinakailangang pantustos.
Paano makakatulong ang PhilHealth? Bukod sa napakagastos, nagdudulot pa ito ng emotional at psychological stress sa pasyente at sa kaniyang pamilya. Mabuti na lamang at may maaari tayong sandalan sa magastos na pagpapagamot sa sakit sa bato.
Kung sa isang tertiary hospital magpapa-dialysis, ang benepisyo ay hanggang P28,000 para sa mga gamot at P21,000 sa laboratory sa loob ng 90 araw o single period of confinement. Ito ay bukod pa sa P 1,200 para sa operating room sa bawat sesyon.
Sa organ transplantation naman ay binabayaran ng PhilHealth ang confinement ng recipient at ng donor. Hanggang P28,000 ang subsidy sa mga gamot, P21,000 sa laboratory at P800 sa room at board kada araw kapag ang transplantation ay ginawa sa tertiary hospital.
Sa operating room naman ay hanggang P3,600 ang allowance para sa donor nephrectomy (pagtanggal ng malusog na bato sa donor) at P3,000 naman sa recipient nephrectomy, P6,000 naman sa renal allotransplantation (transplantation ng bato sa pasyenteng may ESRD) at P9,600 naman sa renal allotransplantation na may kasamang recipient nephrectomy.
Siguraduhin lamang na updated ang inyong kontribusyon at accredited ang ospital at duktor na inyong pupuntahan para makamtan ang inyong PhilHealth benefits.
*****
Ngayong Biyernes sa “PhilHealth… Hataw sa Serbisyo. Pag-usapan natin ang prostate cancer at ang iba’t-ibang pananaw at paniniwala ng mga tao tungkol sa sakit na ito. Sa Biyernes na iyan, Hunyo 10, 2011, 10:00 hanggang 10:30 ng umaga sa DWIZ 882 KHz-AM. Kasama ko sa nasabing programa sina DWIZ News Director Ely Aligora at Marou Pahati-Sarne.
Source: http://www.sunstar.com.ph/pampanga/opinion/2011/06/08/aquino-national-kidney-awareness-month-iwas-sakit-sa-bato-160087

Manila residents and tourists spending a vacation in Philippines prefer to travel out of town from Manila to the north to visit Subic, Pampanga, Angeles City and Clark Philippines. While many areas of the Philippines are plagued by crime and security concerns, Clark Pampanga continues to impress the travel and tourism observers with its immaculately low crime records. Other features of Pampanga Angeles City Clark that attract family tourists and those visitors that are health sensitive include low pollution, peace and quiet ambiance and a most welcome absence of traffic congestion.

Families with small children prefer outdoor resort in Manila clean and safe place in Pampanga Clark to bring kids to relax and unwind. Family bonding is much more effective and enjoyable in a private resort that offers large outdoor facilities, picnic grounds, beautiful scenery, peaceful and quiet ambience.

Many are selling off their assets to start a new life in Philippines, taking advantage of the standard-of-living differential to start a business or just enjoy living in a tropical country. With careful planning, the move to Philippines can work out brilliantly or it can be a painful mistake. Clark Pampanga has been the preferred destination for retirement also.

This web site contains articles and information that will be helpful to visitors, residents and tourists traveling out of town from Manila on a short getaway to Subic, Angeles City, Pampanga and Clark Philippines. There are several web sites that contain information that might also be pertinent to what is happening in North Luzon, Subic, Tarlac, Pampanga, Clark Freeport Philippines.

Wedding couples looking for wedding reception venues and beach wedding venues can log on to this Philippines Wedding Venue web site for free information and assistance:

Yats International Leisure Philippines

For assistance with lodgings, accommodations, hotels and resorts near Manila in Subic, Pampanga, Angels City and Clark Philippines log on to http://www.HotelClarkPhilippines.com

While in Clark, one might as well add to the itinerary a visit to the famous Clark Wine Center, the largest wine shop in Philippines which offers over 2000 selections of fine vintage wine from all wine regions, vintages spanning over 50 years covering all price ranges.

http://www.ClarkWineCenter.com


If this article about Clark is useful to you, please click here to contact us to tell us what more you wish to know about this article or Clark Philippines, which can be something about Clark investment, about Clark resorts, about Clark Swimming and Leisure or simply general news about Clark.


Please send questions to Editor@ClarkPhilippines.com. Leave your name, email address, contact numbers and we will get back to you as soon as possible. Information received will not be disclosed.


Random

Search

 

Delectable Executive Meals

Grievances & Complaints

Have a grievance or complaint about the Pampanga Clark Freeport Zone or one of its establishments?

Click here to submit a complaint

View submitted complaints here

Politics & Opinion

Promote Your Business

Flight Schedules

Diosdado Macapagal International Airport

Check flight schedules to and from Clark Freeport here

Clark Pampanga Weather

Contact Clark Philippines
* First Name
* Last Name
Company
Title
Phone No.
*Cellphone No.
* Email Address
Skype Id
How did you find out about Us?
Do you travel frequently to Clark?
* Comments/Questions

Warning: require_once(/home/www/clearwaterphilippines.com/clarkphilippines/wp-content/themes/deFusion/script/recaptchalib.php) [function.require-once]: failed to open stream: No such file or directory in /home/www/clearwaterphilippines.com/clarkphilippines/wp-content/themes/deFusion/footer.php on line 110

Fatal error: require_once() [function.require]: Failed opening required '/home/www/clearwaterphilippines.com/clarkphilippines/wp-content/themes/deFusion/script/recaptchalib.php' (include_path='.:/usr/local/php5/lib/php:/home/www/clearwaterphilippines.com/clarkphilippines/wp-content/themes/deFusion') in /home/www/clearwaterphilippines.com/clarkphilippines/wp-content/themes/deFusion/footer.php on line 110