Aquino: National Kidney Awareness Month (Iwas Sakit sa Bato)
By Dr. Rey B. Aquino
PhilHealth
Wednesday, June 8, 2011
BUKOD sa taunang “Dengue Awareness Month,” hindi alam ng marami na ipinagdiriwang din ngayong buwan ng Hunyo ang “National Kidney Awareness Month”. Ito ay upang mapalawak ang ating kaalaman at kamalayan sa pangangalaga sa ating mga bato para maiwasan ang magastos na pagpapagamot kapag ang mga ito ay napinsala.
Bilang pampito sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan ngayon ng mga Pilipino, mahalagang pagtuunan ito ng pansin hindi lamang ng ating pamahalaan kundi ng bawat mamamayan. Nais kong ipabatid sa lahat na ang diabetes, pamamaga ng bato at mataas na presyon ng dugo ang mga pangunahing dahilan ng kidney failure sa ating bansa. Bukod dito, alam ba ninyong ang sakit sa bato ay namamana rin?
Are you short of coins? Check out Sun.Star’s multimedia special report on coin circulation.
Kahalagahan ng bato. Isang mahalagang bahagi ng ating katawan ang ating mga bato. Sinasala nito ang ating dugo para maihiwalay at mailabas ang toxins o lason sa ating katawan na nanggagaling sa ating mga kinakain at iniinom. Isinasaayos din nito ang lebel ng tubig at electrolytes ng ating katawan. Ito rin ang pinagmumulan ng erythropoietin, ang hormone sa ating katawan na tumutulong sa bone marrow upang makagawa ng red blood cells.
Panganib ng sakit sa bato. Ang sakit sa bato ay mapanganib kung hindi ito matutuklasan ng maaga at mabigyan ng kaukulang lunas. Traydor ang sakit na ito dahil kadalasan ay wala itong palatandaan lalo pa kung nagsisimula pa lamang. Sa katunayan, madalas natutuklasan ang sakit na ito kapag malala na ito.
Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, sa bawa’t isang milyong Pinoy ay 120 ang sinasabing nasa end stage renal disease o ESRD. Kapag ang pasyente ay idineklara nang end stage, nangangahulugan na hindi na gumagana ang dalawa niyang bato. Hindi na nito kayang linisin ang dumi sa dugo kaya nalalason na ang katawan niya, dahilan upang kailanganin na ng pasyente na sumailalim sa dialysis o kidney transplant. Prevention is better than cure. Makatutulong ang pagkakaroon ng healthy lifestyle para mapangalagaan at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa bato gaya ng balance diet, regular na pag-eehersisyo, pananatili ng tamang timbang, at pag-iwas sa paninigarilyo. Ang pag-inom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw at ang pag-iwas sa maaalat na pagkain ay makatutulong din. Regular ding magpatingin sa duktor lalo na kung hypertensive, may diabetes at renal failure sa pamilya.
Gamutan sa bato. Sakaling magkaroon ng sakit sa bato lalo na ang ESRD, may dalawang options ang pasyente: mag-dialysis o kidney transplantation. Nagkakahalaga ng P2,500 hanggang P5,000 ang kada sesyon ng dialysis at tatlong sesyon kada linggo ang kinakailangang isagawa para mabuhay.
Subalit tinatayang 15 porsiyento lamang ng kidney function ang nagagarantiyahan ng dialysis at kinakailangan itong gawin nang regular at panghabambuhay upang manatiling buhay ang pasyente. Ayon pa sa NKTI, kalahati ng mga pasyenteng nagda-dialysis ay nangamamatay sa loob ng isang taong gamutan dahil hindi tuloy-tuloy ang pagda-dialysis dahil sa kakapusan sa pantustos.
Organ transplantation pa rin ang pinakamainam na alternatibo. Dito ay pinapalitan ng malusog na bato sa pamamagitan ng operasyon ang batong nasira na. Ayon sa mga pag-aaral, ilang buwan lamang pagkaraan ng operasyon ay lumalakas na ang pasyente at maaari nang bumalik sa kanyang trabaho. Mas cost-effective pa ito sa pagda-dialysis na bukod sa panghabambuhay ay wala pang katiyakan.
Lamang ay hindi lahat ng may ESRD ay maaaring sumailalim sa kidney transplant. Mga 40% nito ay hindi qualified kaya’t sila ay habambuhay nang magpapa-dialysis. Sa mga qualified naman sa operasyon ay tinatayang P500,000 hanggang P1 milyon ang kinakailangang pantustos.
Paano makakatulong ang PhilHealth? Bukod sa napakagastos, nagdudulot pa ito ng emotional at psychological stress sa pasyente at sa kaniyang pamilya. Mabuti na lamang at may maaari tayong sandalan sa magastos na pagpapagamot sa sakit sa bato.
Kung sa isang tertiary hospital magpapa-dialysis, ang benepisyo ay hanggang P28,000 para sa mga gamot at P21,000 sa laboratory sa loob ng 90 araw o single period of confinement. Ito ay bukod pa sa P 1,200 para sa operating room sa bawat sesyon.
Sa organ transplantation naman ay binabayaran ng PhilHealth ang confinement ng recipient at ng donor. Hanggang P28,000 ang subsidy sa mga gamot, P21,000 sa laboratory at P800 sa room at board kada araw kapag ang transplantation ay ginawa sa tertiary hospital.
Sa operating room naman ay hanggang P3,600 ang allowance para sa donor nephrectomy (pagtanggal ng malusog na bato sa donor) at P3,000 naman sa recipient nephrectomy, P6,000 naman sa renal allotransplantation (transplantation ng bato sa pasyenteng may ESRD) at P9,600 naman sa renal allotransplantation na may kasamang recipient nephrectomy.
Siguraduhin lamang na updated ang inyong kontribusyon at accredited ang ospital at duktor na inyong pupuntahan para makamtan ang inyong PhilHealth benefits.
*****
Ngayong Biyernes sa “PhilHealth… Hataw sa Serbisyo. Pag-usapan natin ang prostate cancer at ang iba’t-ibang pananaw at paniniwala ng mga tao tungkol sa sakit na ito. Sa Biyernes na iyan, Hunyo 10, 2011, 10:00 hanggang 10:30 ng umaga sa DWIZ 882 KHz-AM. Kasama ko sa nasabing programa sina DWIZ News Director Ely Aligora at Marou Pahati-Sarne.
Source: http://www.sunstar.com.ph/pampanga/opinion/2011/06/08/aquino-national-kidney-awareness-month-iwas-sakit-sa-bato-160087
The best wedding venues outside Manila in Pampanga and Subic are listed here including a beach resort which is a semi-private establishment located in the central business district near shopping, business, entertainment, airport and other conveniences of Philippines Clark Freeport Zone. The wedding reception venues, beach resorts, leisure parks and vacation hotels in Clark Pampanga offer a unique ambience that supports a laidback relaxing lifestyle. Many visitors travel north to Clark Pampanga from Manila to unwind and relax in these resorts.
This Pampanga resort hotel is different from other hotels in Clark Philippines or hotel in Angeles City. This Clark Hotel has large outdoor space for children to play and adults to enjoy some peace and quiet in the picnic grounds near the lake. Guests like the Hotel’s café breakfast garden which serves the best breakfast in Pampanga. Clearwater Resort has nice ambience and wide space, much better than the other hotels in Angeles City and Manila Philippines.
For reservations, comments and inquiries,
www.philippinesweddingvenue.com
Philippines Wedding Venues Service Center
Creekside Road corner of Centennial Road,
Central Business District, Clark Freeport Zone,
Pampanga, Philippines 2023
Tel: (045)599-5949 0917-520-4403 0922-870-5177
Manila Sales Office
3003C East Tower, Phil Stock Exchange Center,
Exchange Rd Ortigas Metro Manila, Philippines 1605
(632) 637-5019 0917-520-4393 Rea or Chay
Email: Wedding@Yats-International.com
For any assistance in planning and organizing a wedding ceremony, indoor or outdoor garden reception or to find other wedding service providers, Click here to contact us click here
For assistance in hotel and resort bookings in Clark, Pampanga, Philippines, log on to
http://www.HotelClarkPhilippines.com
To inquire with the highly recommended beach resort hotel in Clark Pampanga visit http://www.ClearwaterPhililippines.com
For more information about Clark, Pampanga, Philippines log on to
http://www.ClarkPhilippines.com







