Aquino: PhilHealth at ang Kalusugan ng mga Ina
May 12, 2011
Kaya sa ating Ima, Nanay, Mama, Mommy… ano man ang ating nakasanayang itawag sa babaeng nagbigay buhay sa ating lahat, tanggapin po ninyo ang aking malugod na pagbati: Masayang kayaldawan kareng ima tamu!
Ngunit bukod sa Mother’s Day, alam ba ninyo na tuwing ikalawang lingo naman ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Safe Motherhood Week sa ating bansa?
Ang nasabing pagdiriwang ay batay sa itinadhana ng Presidential Proclamation 200 na nilagdaan noong 2002 para itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga ina lalo yaong mga nasa depressed areas at mga kabundukan.
Dito sa ating bansa, ang maternal mortality ratio ay 162 kada 100,000 panganganak. Pitong ina ang namamatay araw-araw dahil sa pregnancy-related problems gaya ng pagdurugo o hemorrhage, impeksyon, mataas na presyon, at obstructed labor.
Bilang tugon sa panawagang ito ng pamahalaan at ng iba’t-ibang sector para masugpo ang kalunos-lunos na sitwasyon ng marami nating ina, ang inyong PhilHealth ay naglunsad ng benepisyo para sa unang apat na normal na panganganak sa mga hospital at non-hospital facilities. Ang aming coverage para rito ay nagkakahalaga ng P6,500 para takpan ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng mga pasilidad at duktor.
Kung sa mga maternity clinics at birthing homes manganganak ang ating mga ina ay masasabi kong mas lalong makatutulong ang PhilHealth sa pagpapabuti ng kalusugan ng ina at ng kaniyang sanggol.
Ito ay dahil sa binabayaran namin hindi lang ang aktuwal na panganganak kundi maging ang prenatal at postnatal services. Mahalaga ang regular na matingnan ng isang propesyunal ang mga nagbubuntis bago at hanggang matapos silang manganak para maligtas sila sa mga anumang panganib sa kalusugan. Mabuti rin ito para sa sanggol.
Sinisiguro din ng PhilHealth ang kaligtasan ng mga miyembro o dependent dahil sa mga accredited hospitals at lying-in, birthing homes at midwife-managed clinics lamang maa-avail ang benepisyong ito.
Para naman sa mga manganganak sa pamamagitan ng caesarian section procedure, ito ay binabayaran din ng PhilHealth.
Para sa detalye ng aming coverage para sa unang apat na panganganak sa mga hospital at non-hospital facilities ay mag log sa www.philhealth.gov.ph.
Hinihikayat ko ang lahat na hindi pa miyembro ng PhilHealth na iseguro na ang kanilang kalusugan sa PhilHealth. Paalala lamang na ang eligibility requirements sa mga individually paying members para ma-avail ang benepisyo para sa mga nabanggit ko ay siyam na buwang hulog sa loob ng labindalawang buwan (9/12) bago ang paggamit ng benepisyo.
Naniniwala kami na ang aming benepisyo para sa panganganak ay makatutulong sa pagsisiguro sa kalusugan ng mga ina at sanggol sa ating bansa. Ngunit higit sa kanino man, ang ating mga ina ang may higit na responsibilidad para tangkilikin ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng Pamahalaan para maging malusog sila at ang kanilang sanggol.
Sa PhilHealth… Hataw sa Serbisyo:
Isinabak ba ninyo sa sports ang inyong mga anak ngayong bakasyon? Mabuti iyan… kaya lang ay may maaaring maging pinsala kung hindi sila makakapag-ingat. Alamin natin ang ilang sports injuries nang ito ay maiwasan. Ngayong Biyernes na iyan, Mayo 13, 2011 sa PhilHealth… Hataw sa Serbisyo, 10:00 hanggang 10:30 ng umaga sa DWIZ AM Radio 882 KHz. Kasama ko sa nasabing programa si DWIZ News Director Ely Aligora at Marou Pahati-Sarne.
Source: http://www.sunstar.com.ph/pampanga/opinion/2011/05/11/aquino-philhealth-ang-kalusugan-ng-mga-ina-154892
Philippines Clark Freeport offers attractive investment opportunities. Assistance in law, taxes and other business and investment matters can be obtained from Clark Business and Investment Assistance.
Clark Philippines operates under a slightly set of rules from the rest of the country. There are many advantages but as usual, there are also areas that investors need to be well apprised to avoid unnecessary problems.
Clark Freeport Zone offers many attractive incentives that collectively make it a good business investment opportunity as well as a wonderful choice for semi- or full-retirement. In addition to the tax incentives of a Freeport Zone, Clark has a remarkably good record in terms of crime rate. In fact, there is no recollection of any major crimes inside Clark Freeport Zone at all and even minor crimes are rare and far between. Whereas traffic and pollution are two major deterrents to retiring, living or setting up a business in major cities in the Philippines such as Manila and Cebu, Clark Freeport are not marred by these problems. Clark is blessed by good infra structures left behind by the Americans built when Clark was their largest foreign airbase.
Investors are well advised to obtain legal counseling as the first step of their exploration of investment opportunities in Clark Freeport. Clark Business and Investment Assistance is well experienced to offer this service to would-be investors β called locators. This outfit can also address tax concerns but more importantly helps investors navigate the tricky waters of finalizing a deal.
This web site contains articles and information that will be helpful to visitors, residents and tourists traveling out of town from Manila on a short getaway to Subic, Angeles City, Pampanga and Clark Philippines. There are several web sites that contain information that might also be pertinent to what is happening in North Luzon.
For assistance with organizing and planning weddings and garden receptions, log on to http://www.PhilippinesWeddingVenue.com
For assistance with lodgings, accommodations, hotels and resorts near Manila in Subic, Pampanga, Angels City and Clark Philippines log on to http://www.HotelClarkPhilippines.com
If this article about Clark is useful to you, please click here to contact us to tell us what more you wish to know about this article or Clark Philippines, which can be something about Clark investment, about Clark resorts, about Clark Swimming and Leisure or simply general news about Clark.
Please send questions to Editor@ClarkPhilippines.com. Leave your name, email address, contact numbers and we will get back to you as soon as possible. Information received will not be disclosed.